PAGBILI (BUYOUT)

Ang pagbili ay ang pagbibigay sa inyo ng pera na ang kapalit ay ang pag-alis mo sa iyong tirahan. Kadalasan ang mga kasero(a) ay mag - aalok sa inyo ng pera kapag wala na silang naisipang ligal na dahilan para kayo ay palayasin o di kaya para maiwasan lang ang gusot sa ligal na paraan ng pagpapalayas, kabilang ang mga potensyal na paghihigpit sa kung ano ang mangyayari sa yunit matapos na makalabas ang mga nangungupahan.

Ang mga pagbili ay halos hindi makatuwiran paraan para sa mga nangungupahan, dahil sa palaging mataas na uri ng pamumuhay sa San Francisco. Tunghayan natin ang isang halimbawa kung gaano kabilis maubos ang ang perang natanggap mo bilang isang nangungupahan sa halaga ng pabahay sa ngayon:

Si Carla ay lumipat sa kanyang 2 silid-tulugan na apartment noong 2003. Ang kanyang apartment ay nagkakahalaga ng $2,000. Ito ay tumataas bawat taon hanggang sa umabot sa $2,532.07.

Ang kasero(a) ni Carla ay nag-alok sa kanya ng $10,000 na kabayaran para siya ay umalis. Siya ay nakipag-ayos at nakuha ang alok na naitaas sa $20,000. Tinanggap niya ang alok!

Ngayon kailangan na ni Carla na lumipat. Naghanap siya nang naghanap sa kanyang kapitbahayan, kung saan ang average na renta ay higit $4,500 ngayon. Napagpasyahan niya na maaari niyang mangupahan ng isang 1-silid-tulugan upang maging mas magaan sa kanya ang pagbayad at nakakita siya ng isang lugar na ang renta ay $3,500. 

Bago pirmahan ang lease, nagplano muna siya ng kanyang badyet. Ang patakaran ng bagong may-ari ay kinakailangan niyang magbayad ng renta sa unang buwan, at isang deposito sa seguridad. Iyon ay $10,500. 

Napagpasyahan niyang magbabayad pa siya sa gastos ng kanyang paglilipat na kukunin ang pambayad sa perang kanyang kinita sa mga naibenta niyang mga kagamitan na hindi na kasya sa kanyang bago at maliit na apartment.

Ngayon si Carla ay mayroong natitirang $9,500 sa napagkasunduang halaga ng pagbili. Ngunit ang renta sa bago niyang tirahan ay mas mataas ng $968 bawat buwan. Nangangahulugan lang na gagastusin niya ang natitirang halaga ng pagbili bilang pambayad sa kanyang bagong apartment nang di aabot sa 10 buwan.

Napagtanto ni Carla na ang $20,000 ay hindi magandang deal pagkatapos ng lahat. Siya ay may 45 na araw sa ilalim ng batas ng lungsod upang mapawalang-bisa ang kasunduan sa pagbili at sinabi niya kaagad sa kanyang kasero(a) na nagbago ang kanyang isip at balak niyang manatili sa kanyang tahanan.

Karamihan sa mga nangungupahan na tumanggap ng halaga ng pagbili ay mas gustong manatili sa kanilang mga tirahan ngunit sila ay pinilit sa pamamagitan ng pananakot, panliligalig, o banta ng pagpapaalis. Ang mga pagbili ay kinokontrol na ng Lunhsod at ang isang nangungupahan ay mayroong 45 na araw upang baguhin ang kanilang isipan at alisin ang isang kasunduan sa pagbili. Ilang mga bagay na dapat isaalang-alang kapag inaalok ng isang pagbili:

  • Magkano ang renta sa bagong kontrata sa inyong kapitbahayan?

  • Gaano ka katagal plano mong manirahan sa inyong yunit o sa iyong kapitbahayan?

  • Makakakita ka pa ba ng panibagong lugar o tirahan dito sa San Francisco?

  • May dahilan ang kasero(a)  kung bakit gusto niyang kunin mo ang halaga ng pagbili. Ang apartment mo ba ay mas mahalaga kaysa pera?

Mga Impormasyon tungkol sa bagong batas sa pagkontrol ng mga pagbili:

A kasero(a) ay dapat magparehistrong isang alok sa pagbili kasama ang “Lupon ng Renta sa pamamagitan ng isang “porma sa pagsisiyasat sa negosasyon ng pre-buyout” at bigyan din ang nangungupahan ng isang pangalawang porma na nagsasama ng isang listahan ng grupo ng karapatan ng mga nangungupahan, bago magsimula ang negosasyon.  

Ang umuupa ay hindi kailangang sumang-ayon na pumasok sa isang negosasyon sa pagbili, ngunit kung gagawin nila, sila ay maaaring komunsulta sa isang abogado at magback-out sa kasunduan sa loob ng 45 na araw mula nang pirmahan ito. Ang huling kasunduan ay dapat na isampa sa Lupon ng Renta sa loob ng 45-59 na araw.

Ang anumang mga paglabag sa batas na ito ay maaaring ipatupad sa pamamagitan ng aksiyong sibil sa korte. Ang kakayahan ng isang kasero(a) na makapag kondo-kombert ay maaaring maapektuhan ng mga pagbili kung ang isang matanda, may kapansanan o sakdal na may sakit na tao ay bibigyan ng isang pagbili hanggang sampung taon bago maaprubahan ang kombersiyon ng kondo.