Panggigipit O Pananakot

Ang iyong kasero(a) ay hindi pwedeng manggipit o takutin ka sa paraang pasalita at pisikal o tumawag ng pulis para ikaw ay paalisin o palayasin sa inyong tinitirahan. Ang iyong kasero(a) ay hindi maaaring maliitin ka dahil sa iyong lahi, kasarian, oryentasyong sekswal, lugar ng kapanganakan, imigrasyon o ang pagkamamamayan, relihiyon, edad, pagkamagulang, kapansanan, AIDS o dahil may anak ka. Ang mga banta tungkol sa iyong katayuan sa imigrasyon ay panliligalig at iligal sa ilalim ng ordinansa sa pag-upa.

PAGPASOK NG KASERO(A) SA YUNIT

Ang kasero(a) ay kailangang magbigay ng 24 na oras na paalala sa sulat upang pasukin ang iyong yunit, at makapasok lamang sila ayon sa sumusunod na pakay:

  • Gumawa ng kinakailangan o napagkasunduang pag-aayos sa kagamitan o serbisyo.

  • Ipakita ang yunit sa mga inaasahang mga mangungupahan, mamimili, may hawak ng mortgage, mga magkukumpuni o mga kontraktor.

  • Siyasatin ang yunit sa kahilingan ng nangungupahan para maibalik ang kanyang deposito sa seguridad.

  • Kapag may - utos ang korte na nagpapahintulot sa pagpasok ng kasero(a).

Kung ang isang kasero(a) ay iligal na pumasok sa iyong bahay,dapat kang magsulat ng liham na hinihingi ang paunawa ng 24 na oras para sa mga susunod na entry, at isinasaad na nais mong itigil ang mga iligal na pagpasok sa iyong yunit. Maaari mo ring hilingin na ang kasero(a) ay mag-iskedyul lamang ng ga oras upang pumasok sa loob ng yunit sa normal na araw ng pagpasok (Lunes-Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Kung maaari ang mga reyaltor ay pumasok sa yunit tuwing Sabado at Linggo sa isang limitadong batayan. 

PAGTIGIL O PAGSARA SA SERBISYO NG KAGAMITAN O YUTILITI

Ang iyong kasero(a) ay hindi maaaring magtigil o magsara ng anuman sa iyong kagamitan para lamang sa kanyang layunin na palayasin o gipitin ka. Kapag natigil ang serbisyo para sa iyong kagamitan, kailangang tawagan mo kaagad ang Kompanya ng Yutiliti at sabihin sa kanila na ibalik ang serbisyo nito.. Kapag hindi nila ito aksiyunan, subukan mong tawagan ang Komisyon sa Pampublikong Yutiliti sa numero ng telepono 415-703-1170. Kapag ito ay sa pagtigil ng Serbisyo sa Tubig, tawagan ang 415-551-4767 para maibigay ang bayarin sa iyong pangalan.

Kailangan mong itago ang listahan ng mga insidente, ang petsa at ang haba ng oras kung saan natigil ang serbisyo. Kailangan mo ring isulat at ipaalam sa iyong kasero(a) at sabihin sa kanya na alam mo ang iyong mga karapatan at ang pagtigil ng serbisyo sa mga yutiliti ay di makatuwiran. Magtago ka ng kopya. Kung ang kasero(a) ang hindi nagbabayad ng mga babayarin sa mga yutiliti, ito ay maaari mong ibigay o ibalik sa iyong kasero(a).

Pumunta sa SF Rent Board at mag file ng isang ‘Petisyon sa Pagbaba ng mga Serbisyo’ (25 VanNess Ave.) para sa potensyal na pagbawas sa renta. 

PAGKAKANDADO

Hindi maaaring ikandado ng iyong kasero(a) ang iyong yunit o tahanan.

Kapag ang iyong yunit o tahanan ay ikinandado:

  • Sa ilalim ng Kodigo Penal 418, ang iyong kasero(a) ay nagkasala ng maliit na paglabag sa batas at maaaring arestuhin.

  • May karapatan kang makapasok muli sa inyong yunit o tahanan. Kailangang hawak mo palagi ang patunay na ikaw ay nakatira sa yunit o tahanang iyan.

  • Itago ang talaan ng mga pangyayaring ito at magsulat ng liham sa iyong kasero(a) at sabihin sa kanya na alam mo ang iyong mga karapatan at gusto mong itigil niya ang panggigipit ng walang karagdagang panliligalig. Magtago ka ng kopya mo.

PALAGING TANDAAN NA…

  • Magtago ka ng iyong kopyang papel. Itago ang mga kopya ng mga sulat mo sa iyong kasero(a). Itago ang mga resibo. Magtala ka ng mga sinasabi o ginagawa ng iyong kasero(a) sa inyo, dapat nakasulat ang lugar, at petsa, kung saan at kailan naganap ang bawat pangyayari. Sa kaso ng panliligalig o panggigipit, kailangan mayroon kang saksi sa bawat pangyayari.

  • Kung magpatuloy ang panliligalig, sumulat ka sa inyong kasero(a) at ipaliwanag sa kanya, na siya ay gumagawa nang mga bagay na  nakakasakit na sa kanyang kapwa. Isama ang mga petsa at oras. Kapag patuloy pa rin siya sa panggigipit at panliligalig, maaari mong isaalang-alang ang isang pagbawas sa petisyon ng mga serbisyo sa Lupon ng Nangungupahan (kung ikaw ay sakop ng may Kontrol sa Rent), isang Maliit na Aksiyon sa Korte ng Paghahabol o pagkonsulta sa isang abogado tungkol sa ilang uri ng iligal na aksiyon.

  • Mayroon kang karapatan na mag sumite sa Kataas-taasang Korte para sa “Utos ng Pagpipigil” na nagbabawal sa iyong kasero(a) na makipag-ugnayan sa inyo. Makakakuha ka ng mga porma sa Klerk ng Kataas-taasang Korte na matatagpuan sa sulok ng Polk at McAllister.