PAGPAPAALIS O PAGPAPALAYAS (EVICTION)

Hindi mo kailangang umalis dahil lamang sa sinabi sa iyo ng iyong kasero(a) na ikaw ay umalis. Ang pagpapalayas ay sumusunod sa isang masusing prosesong ligal na dapat sundin ng iyong kasero(a). Lahat ng pagpapalayas o pagpapaalis ay dapat nakasulat sa papel bilang patunay na ito ay hudyat ng pagpapaalis o pagpapalayas. Dagdag pa dito, karamihan sa mga nangungupahan ay pwede lamang mapalayas o mapaalis sa kanilang tirahan kung may tiyak na mga dahilan, ito ay tinatawag na “Tumpak na Dahilan”.

KAPAG IKAW AY PINAPALAYAS O PINAPAALIS SA INYONG TIRAHAN, MAKIPAG-USAP KAAGAD SA TAGAPAYO NG KARAPATAN PARA SA MGA NANGUNGUPAHAN. SUMANGGUNI AT HUMINGI NG TULONG.


MGA “TUMPAK NA DAHILAN” NG PAGPAPALAYAS O PAGPAPAALIS

Sa ilalim ng seksyon 37.9(a) ng Ordinansa sa Renta ng San Francisco, ang mga kasero(a) sa mga tirahan na may kontrol sa renta ay dapat may tama o tumpak na dahilan ng pagpapalayas o pagpapaalis sa kanilang mga yunit. Para sa kumpletong dahilan ng pagpapalayas o pagpapaalis, paki-tingnan ang www.sftu.org/justcauses/

Ang ilan sa mga sanhi ng pagpapalayas o pagpapaalis ay dahil nilabag ng nangungupahan ang kanilang kasunduan sa pag-upa o ang batas. Ang mga ito ay tinatawag na “For - Fault” ng pagpapaalis. Ang ilan sa mga karaniwang halimbawa ay kasama ang:

  1. Hindi pagbabayad ng renta, palaging huli sa pagbabayad, palaging pagbabayad ng talbog na mga tseke.

  2. Paglabag sa isang termino ng kasunduan sa pag-upa na hindi naitama matapos ang nakasulat na paunawa mula sa kasero(a).

  3. Pandidistorbo at pag-iingay o malaking pinsala sa yunit (basura) o paglikha ng isang malaking panggambala sa kaginhawaan, kaligtasan o kasiyahan ng kasero(a) o iba pang naninirahan sa gusali.

Mayroong limitadong hanay ng mga kadahilanan na maaaring paalisin ng isang kasero(a) ang isang nangungupahan na hindi lumabag sa kanilang pag-upa o sa batas. Ang mga ito ay tinatawag na “For - Fault” ng pagpapalayas o pagpapaalis. Kadalasan, ang mga nangungupahan ay may mga karapatan sa relokasyon sa pagbabayad. Ang ilang mga karaniwang halimbawa ay kasama ang:

  1. OMI: Ang paglipat ng kasero(a) o isang malapit na kamag-anak ng may-ari (kapag ang kasero(a) ay naninirahan sa gusali).

  2. Pagbebenta ng yunit at ginagawang condo. Ang mga matatanda at may mga kapansanang nangungupahan ay maaaring mapalayas o mapaalis para sa mga kombersiyon sa condo.

  3. Pagbabagong Kapital o Rehabiltasyon. Ang nangungupahan ay may karapatan para muling maangkin ang yunit sa naunang upa, sa sandaling nakumpleto ang trabaho.

  4. Ellis Act na Pagpapalayas o Pagpapaalis, na nangangailangan ng pagbawi  mula sa pag-upa ng bahay gamit ang lahat ng mga yunit sa gusali.

MGA ABISO SA PAGPAPALAYAS O PAGPAPAALIS:

Ang abiso sa pagpapalayas ay hindi maaaring ibigay sa salita. Ang isang tunay na pagpapaalis ay nagsisimula sa isang nakasulat na paunawa, karaniwang sa loob ng 3, 30 o 60 na araw. Hindi mo na kailangan umalis sa iyong bahay sa pagtatapos ng paunawang ito, at hindi ka mapipilit ng iyong may-ari na umalis. Kapag hindi ka umalis sa katapusan ng 3, 30 o 60 na araw, maaari nang simulan ng kasero(a) ang proseso ng pagpapaalis sa Korte gamit ang mga sumon (Labag sa Batas na Pagpakulong)

Kung  makakatanggap ka ng isang Sumon at Reklamo para sa Ligal na Pagpapakulong.  KAILANGANG SAGUTIN MO ITO SA LOOB NG LIMANG ARAW, o maaaring mawala sa iyo ang iyong karapatan sa isang paglilitis at ang pagpapalayas ay mas mabilis. Ang mga katapusan ng linggo at mga pista opisyal ng Korte ay hindi kasali sa 5 araw. Kapag hindi ka tumugon siguradong matatalo ka sa kaso at siguradong palalayasin ka ng Sheriff sa loob ng isang linggo. 

ANG SAGOT: Tumogon ka sa mga Sumon sa pamamagitan ng pagkompleto ng isang porma sa Korte na tinatawag na “Sagot”. Maaari mo ring unahin ang pagfile ng Kilos ng Korte na umaatake sa bisa ng pagpapatalsik. Masidhing inirerekomenda na maaari kang makakuha ng tulong sa pagfile ng mga ito sa Nagtutulungang Depensa sa Pagpapalayas o Pagpapaalis.

ANG MGA PAGPAPALAYAS AY ISINASAGAWA SAPAMAMAGITAN NG KORTE

Ang mga kasero(a) ay hindi maaaring magpalayas o magpaalis: ang hukom at sherip lamang ang pwedeng magdesisyon nito. Kapag ikaw ay nangungupahan, may liga na karapatan kang manirahan hanggang sa pipiliin mo nang umalis o di kaya kapag ang kasero(a) ay nakakuha ng order sa korte. Bago ka mapalayas o mapapaalis, may karapatan kang dalhin ang iyong kaso sa isang hurado. Kung ikaw an manalo, ikaw ay mananatili sa inyong tirahan. Kung ikaw ay matalo,ang sherip lamang ang may karapatang alisin ka.

LIGAL NA TULONG

Para matugunan ang Di - makatwirang Pagpapakulong, kailangan mong makakuha ng ligal na tulong.. Ang “Nagtutulungang Depensa sa Pagpapalayas o Pagpapaalis” (EDC) ay tumutulong sa pagtugon sa mga papeles sa korte. Dalhin mo ang mga papeles sa EDC (1338 Mission Street; 4th Floor, San Francisco, CA 94103) Lunes - Biyernes, 9:00 - 11:00 ng umaga at 1-3 ng hapon. Huwag kang tumawag. Pumunta at makipag-usap sa isang tagapayo sa mga oras ng pagpapayo. 

GANTI SA PAGPAGPAPALAYAS O PAGPAPAALIS

Ang Kodigo Sibil ng California 1942.5 ay nagsasabing ang kasero(a) ay hindi maaaring gumanti sa nangungupahan sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanila o pagtaas ng renta. Kung ang kasero(a) mo ay nagtangkang palayasin o paalisin ka sa loob ng anim na buwang pagkilos mo upang ipaglaban ang iyong karapatan, maaari kang magkaroon ng isang tagapagtanggol laban dito. Tiyaking may nakatago kang mga kopya sa lahat ng mga ginagawa mong aksyon na naging sanhi ng paghihiganti, tulad ng mga abiso sa Pagsisiyasat ng Gusali, at iba pa.